Inia-activate na ng Coast Guard Station (CGS) Northern Quezon at mga sub-station nito ang Deployable Response Group (DRG) upang matiyak ang maagap at mabilis na pagtugon sa anumang insidente o sakunang maaaring idulot ng masamang panahon.
Kasunod ito ng paghahanda sa paparating na tropical depression Ada, na inaasahang makakaapekto sa Southern Luzon at iba pang katabig lugar.
Kaugnay nito, nagsagawa ng mas pinaigting na koordinasyon ang CGS Northern Quezon sa mga lokal na pamahalaan at mga ahensya upang palakasin ang kahandaan at masiguro ang epektibong pagresponde sa mga posibleng sitwasyong dulot ng bagyo.
Nagpaalala naman ang Philippine Coast Guard (PCG) sa mga mangingisda at biyahero na huwag munang pumalaot at mahigpit na makinig sa mga opisyal na abiso at babala mula sa weather bureau at PCG.















