Personal na dumalo ang nakadetineng si Kingdom of Jesus Christ founder Pastor Apollo Quiboloy sa pagpapatuloy ng pagdinig sa kaniyang kasong qualified human trafficking sa Pasig Regional Trial Court ngayong Huwebes, Enero 16.
Namataan din ang pagdating ni dating Philippine National Police (PNP) Chief at kasalukuyang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Nicolas Torre III, na nanguna sa pag-aresto kay Quiboloy noong hepe pa siya ng Davao Police.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon ng harapang pagkikita nina Quiboloy at Torre simula nang maaresto ang pastor noong Agosto 2024 sa Davao.
Nauna na ngang itinanggi ni Quiboloy ang mga alegasyon laban sa kaniya, na tinawag niyang gawa-gawa lamang ng mga dating miyembro ng kanilang sekta.















