Tinanggihan ng Pasig Regional Trial Court (RTC) Branch 159 ang panibagong hiling ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Pastor Apollo Quiboloy para sa hospital arrest.
Sa isang kautusan na may petsang Oktubre 8, sinabi ng korte na wala itong nakitang “compelling reason” para ilagay ang pastor sa hospital arrest sa Philippine Health Center o sa Medical City.
Malinaw aniya na na-establish sa kaniyang records na ang kaniyang medical na pangangailangan ay agad at patuloy na natutugunan habang siya ay nasa kustodiya ng Pasig City Jail at patuloy na nakakatanggap ng kaukulan, napapanahon at sapat na medical care sa ospital sa ilalim ng pangangasiwa ng competent medical professionals.
Una ng tinanggihaan ng Pasig court ang hiling ni Quiboloy para sa hospital arrest noong nakalipas na taon.
Matatandaan, sinabi ng kampo ni Quiboloy sa kaniyang hospital arrest request na nakakaranas ito ng patuloy na hirap sa paghinga na sinabayan ng paulit-ulit na lagnat, pananakit ng kasu-kasuhan at pag-ubo habang nasa piitan.
Ang naturang Pasig court nga ang humahawak sa kaso ni Quiboloy sa qualified human trafficking na walang piyansa.
Ang nakatakda sanang pagdinig ngayong araw ay inilipat sa Disyembre 11.