-- Advertisements --

Bahagyang lumakas ang tropical depression Ada habang patuloy na kumikilos sa silangan ng Mindanao.

Huling namataan ang sentro nito sa layong 385 kilometro silangan-hilagang silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur o 465 kilometro Silangan ng Surigao City, Surigao del Norte.

Taglay ng bagyo ang maximum sustained winds na 55 km/h malapit sa sentro at pagbugso hanggang 70 km/h. Kumikilos ito pa-Northwest sa bilis na 20 km/h at may malalakas na hanging umaabot hanggang 400 kilometro mula sa sentro.

Nasa ilalim ng Signal No. 1 ang ilang bahagi ng Luzon, Visayas, at Mindanao kabilang ang Sorsogon, Eastern Samar, Northern Samar, at Surigao provinces.

Ayon sa forecast, inaasahang dadaan si Ada malapit sa Eastern Samar at Northern Samar sa Biyernes o Sabado ng madaling araw.

Pagkatapos nito, posibleng lumapit sa Catanduanes sa Linggo ng umaga bago lumihis pa-hilagang hilagang-silangan sa Lunes.

Gayunpaman, kung magbabago ang direksyon nito nang bahagyang pakanluran, posibleng mag-landfall sa Eastern Visayas at Bicol Region.