Na-blacklist ang isang lalaking pasahero na paalis sana papuntang Singapore matapos ang umano’y “bomb joke” nito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.
Sinabi umano ng suspek na may dala siyang granada habang isinasagawa ang security check.
Ayon kay Acting Police Aviation Security Group Director Brig. Gen. Dionisio Bartolome Jr., walang puwang para sa mga ganoong biro at hindi nila ito tinotolerate.
“Bomb-related jokes have no place in airport facilities. We maintain a zero-tolerance policy and will take immediate action to ensure the safety and security of airport operations,” ani Bartolome.
Mabilis namang siniyasat ang bag ng suspek, at matapos mapag-alaman na wala namang bomba sa kanyang bagahe, agad siyang na-blacklist ng mga awtoridad sa nasabing paliparan.















