-- Advertisements --

Nanindigan ang Philippine National Police Drug Enforcement Group (PDEG) sa pangunguna ni PDEG Director PBGen. Elmar Ragay na lehitimo at handang sumailalim ang kanilang yunit sa imbestigasyon hinggil sa naging buy bust operations na ikinasa kamakailan lamang sa Cubao na ikinasawi ng tatalo hinihinalang drug suspects.

Ayon kay Ragay, Agosto nang nakaraang taon nang umpisahan nilang manmanan ang mga suspek bago pa man ikasa ang operasyon sa pangnunguna ng Special Operations Unit 3.

Ang proseso aniya din na ito ay bahagi ng kanilang target intelligence packet upang masiguro na hindi makokompormiso at machachambahan lamang ang pagkakasa ng transaksyon.

Lumalabas kasi na unang impormasyon na posibleng set up mang ang nais na tangkain ng mga suspect para makuha ang buy-bust money at maitakbo rin maging ang droga mula sa transaksyon.

Samantala, lumalabas naman na narekober ang sampung bloke ng hinihinalang shabu sa pinangyarihan ng krimen mula sa isang kahon na umano’y may mga laman na noodles at powdery substance na kasalukuyan pa ring bineberipika sa ngayon.

Kasunod nito ay binigyang diin naman ni Ragay na patuloy nilang isinusulong ang isang ‘bloodless operations’ sa pagpuksa sa iligal na droga ngunit iginiit ding hindi ito maiiwasan lalo kung ang mga nagkakasa ng operasyon o mga operatiba na ang dehado at nasaktan.