Binunot at sinunog ng Philippine drug enforcement Agency (PDEA) ang bulubundukin ng marijuana plants sa Kalinga Province.
Katuwang nila ang Philippine National Police Drug Enforcement Group (PNP DEG) Special Operations Unit CAR, 2nd Kalinga Provincial Mobile Force Company, Tinglayan Municipal Police Station, at ang Regional Mobile Force Battalion 2 para ikasa ang operasyon sa halos 2,300 bulubunduking lupain sa Barangay Loccong.
Ang mga marijuana plants ay tinatayang nasa 34,500 na piraso at nagkakahalaga ng halos P6.9 milyong piso.
Ayon sa PDEA, wala namang naiulat na naaresto sa operasyon ngunit inaalam na rin kung sino ang maaaring nangangaiswa sa mga marijuana plants na ito.
Samantala, binigyang diin naman ng PDEA na ang pagiging matagumpay ng kanilang Anti-drug operations ay hindi lamang nakabatay sa dedikasyon ng mga law enforcement agencies ngunit nkabase rin sa kung gaano ka-aktibong nakikiisa ang mga komunidad sa kanilang mga operasyon.