-- Advertisements --

Nasamsam ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang humigit kumulang P686.8 milyong halaga ng sahbu sa isang buy-bust operations sa Angeles City, Pampanga.

Sa isang pahyag, ipinaliwanag ng PDEA na ang mga suspek ay naaretso sa ikinasang operasyon ng kanilang hanay paado 11:35 am ng umaga.

Kinilala ang mga suspek bilang si alyas “Wang”, 31 anyos at isang chinese national, at si alyas “Shania” na isa namang 24 anyos na pilipina.

Nasabat ng mga otoridad ang 96 na mga tsaa at limang self-sealing transparent bags na naglalaman ng mga hinihinlang shabu na may timbang na 101kg

Nakuha rin sa mga suspek ang isang private vehicle, isang cellphone at mga lisensya.

Samantala ayon naman sa pamunuan ng PDEA, mahaharap naman sa mga kasong may kaugnayan sa sale and possesion of dangerous drugs ang mga suspek sa ilalim ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Tiniyak naman ng PDEA na magpapatuloy ang kanilang hanay sa pagtukoy pa sa iba pang mga personalidad at mga organized groups na mayroong kinalman sa pagppakalat at bentahan ng mga iligal na droga sa bansa.