-- Advertisements --

Muling bibisita sa bansa ang South Korean singer na si Chen ng boy group EXO sa darating na Agosto para sa KOSTCON 2025 concert na nagbibigay-pugay sa mga sikat na K-drama soundtrack.

Ayon event promoter, bahagi na ng official lineup si Chen, na kilala sa kanyang makabagbag-damdaming ballads bilang solo artist. Gaganapin naman ang concert nito sa August 6 sa isang sikat na mall sa Pasay.

Magugunitang muling bumalik si Chen sa Pilipinas matapos ang kanyang solo fan concert noong Nobyembre 2024.

Ayon sa deskripsyon ng event, ang KOSTCON 2025 ay isang “immersive experience” para sa mga tagahanga ng K-drama music.

Matatandaang si Chen, o Kim Jong-dae sa tunay na buhay, ay nag-debut sa EXO noong 2012 at miyembro rin ng sub-unit na EXO-CBX kasama sina Baekhyun at Xiumin.

Bilang soloist, inilabas niya ang EP na “April, and a Flower” noong 2019. Kilala rin siya sa mga OST tulad ng “Best Luck” para sa “It’s Okay, That’s Love” at “Everytime” (kasama si Punch) para sa “Descendants of the Sun.”