-- Advertisements --
Ibinalik na sa Blue Alert ang alert status ng NDRRMC Operations Center matapos itong ilagay sa Red Alert kaugnay ng magkasunod na malalakas na lindol sa Bogo City, Cebu at Manay, Davao Oriental.
Ayon sa NDRRMC, ang pagbaba ng alert level ay bunsod ng paglipat ng kanilang operasyon sa early recovery phase.
Dito ay nakatutok na ang mga ahensya sa rehabilitasyon at pagbabalik ng normal na pamumuhay sa mga apektadong lugar.
Patuloy pa rin ang koordinasyon ng NDRRMC sa mga lokal na pamahalaan upang matiyak ang maayos na distribusyon ng ayuda at serbisyong pangkalusugan, habang isinasagawa ang damage assessment sa mga nasirang imprastruktura.