Posibleng maipababa sa ordinaryong general community quarantine (GCQ) sa susunod na linggo ang National Capital Region (NCR) at kalapit na lugar.

Sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque, na patuloy na bumababa ang bilang ng mga nadadapuan ng COVID-19.

Nagkaroon rin ng improvements ang hospital care utilization na ito ay nananatiling mababa.

Magugunitang mula Marso hanggang kalagitnaan ng Mayo ay nasa enhanced community quarantine at modified enhanced community quarantine (MECQ) ang NCR plus na binubuo ng Laguna, Bulacan, Rizal at Cavite.