-- Advertisements --
Hinikayat ng National Wages and Productivity Commission (NWPC) ang mga manggagawa sa Metro Manila na isumbong sa kanila ang mga employer na hindi magpapatupad ng panibagong taas sahod.
Magiging epektibo na kasi sa Hulyo 18 ang dagdag na P50 sa arawang sahod ng mga minimum wage earners.
Tiniyak naman nito na mahaharap sa kaso ang mga employers na bigong magpatupad ng taas sahod.
Sinabi ni NWPC Executive Director Maria Criselda Sy na magsasagawa ng inspections ang Department of Labor and Employements sa mga establishimento para matiyak na ito ay naipapatupad.
Dagdag pa nito na inaaral na ng ilang mga regional boards ang pagtaas ng sahod.