-- Advertisements --
Ipinagmalaki ng Department of Labor and Employement (DOLE) na mayroong mahigit na 74,000 ng mga Pinoy ang nabigyan ng agarang trabaho mula sa isinagawang mahigit na 2,000 na job fairs ngayong taon.
Ayon sa DOLE na mayroong kabuuang 2,176 ang isinagawa nilang job fairs sa iba’t-ibang bahagi ng bansa ngayong taon.
Nagresulta ito sa pagbibigay ng agarang trabaho ng nasa 74,564 na job applicants.
Ang mga job fairs na kanilang isinagawa ay naka-akit ng mahigit kalahating milyong job seekers.















