-- Advertisements --

Magiging abala agad ang unang buwan ng taong 2026 ni Pinay tennis star Alex Eala.

Ito ay dahil sa mga torneo na kaniyang lalahukan sa pagpasok ng taon.

Magsisimula ito sa 2026 Kooyong Classic na gaganapin mula Enero 13 hanggang 15 sa Kooyong Lawn Tennis Club in Melbourne.

Bago nito ay sasabak muna ito sa WTA 250 ASB Classic sa Auckland, New Zealand mula Enero 5-11.

Ang nasabing torneo ay ilang linggo bago ang pagbubukas ng Australian Oen na itinuturing na pinakaprestisyosong warm-up events sa Australian tennis.

Ilan sa mga makakasama ng Pinay world number 53 ang ilang mga sikat na mga tennis players sa bansa.