Suportado ng mga malalaking negosyante at labor groups ang panukalang batas na nagtatanggal na ng Vallue Added Tax sa mga kuryente.
Sa nasabing panukalang batas aniya ay maiibsan ang pressure financial sa mga kabahayana at mapapalakas pa ang industrial competitiveness ng isang bansa.
Sa pinagsamang pahayag ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI), Employers Confederation of the Philippines, Philippine Exporters Confederation at Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) ay hinihikayat nila ang mga mambabatas na ipasa na ang House Bill 6740 na ang may akda ay si TUCP Partylist Representative Raymond Mendoza.
Sinabi ni Mendoza na ang mataas na singil sa kuryente ay matagal na pasanin ng mga Pinoy at nagpapahina ng produktibo sa negosyo.















