Isinisi ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagtama ng mga kalamidad noong Oktubre kaya nagresulta sa pagtaas ng kaso ng walang trabaho sa bansa.
Ayon kay DOLE Secretary Bienvenido Laguesma, na pansamantala lamang ang nasabing pagtaas ng bilang ng mga walang trabaho dahil ito ay sakop pa rin ng kanilang 4.8 hanggang 5.1 percent target para sa 2025.
Dagdag pa ng Kalihim na hindi mapigilan ang pagdaan ng mga malalakas na bagyo mula Setyembre gaya ng mga bagyong Mirasol, Nando at Opong.
Magugunitang inilabas ng Philippine Statistics Authority ang resulta ng Labor Force Survey noong Oktubre na nagresulta sa pagtaas ng limang porsyento o nasa 2.54 million ang bilang ng mga walang trabaho kumpara sa 3.8 percent noong Setyembre na mayroon lamang na 1.96-M na Pinoy na walang trabaho.
















