-- Advertisements --

Nanawagan si Lipa Archbishop Gilbert Garcera sa mga mananampalataya na magdasal at maging tagapagtaguyod ng kapayapaan ngayong Pasko.

Dagdag pa ni Garcera na siya rin ang pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na sa mga nagdaang buwan ay nagkawatak-watak ang Filipino dahil sa mga isyu gaya ng kurapsyon sa flood control projects.

Mahalaga na ibalik ang ugnayan sa Maykapal dahil sa Pasko ay panahon para magnilay-nilay.

Tanging ang kaniyang mensahe sa Pasko ay ang pagkakaisa ng bawat Filipino.