Pinaalalahanan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga negosyante na gumagawa at nagbebenta ng mga paputok at mga pailaw na istriktong sumunod sa occupational safety and health (OSH) standards para maiwasan ang anumang aksidente.
Ayon kay Secretary Bienvenido Laguesma na naglabas na ito ng Labor Advisory na nag-aatas sa mga regional offices na imonitor kung tumutugon at sumusunod ang mga establishimento ng OSH rules.
Ang nasabing inspections ay kasama nila ang Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine National Police (PNP) at ang local government units.
Marapat na magsumite ang mga regional directors ng DOLE ng listahan ng kanilang namonitor na nagbebenta ng mga pyrotechnics sa Bureau of Working Conditions (BWC).
Magugunitang noong Oktubre ay mayroong dalawang katao ang nasawi ng sumabog ang pagawaan ng paputok sa Norzagaray, Bulacan.















