-- Advertisements --

Muling nagkaroon ng pagpupulong sina US President Donald Trump at Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu.

Sa isinagawang pulong sa Mar-a-Lago resort sa Florida ay tatalakayin ng dalawang lider ang ikalawang yugto ng kanilang US peace plan sa Gaza.

Inaasahan na hihikayatin pa lalo ni Netanyahu si Trump na maging agresibo sa mga kalaban ng Israel.

Ang ikalawang bahagi ng ceasefire ay kinabibilangan ng tuluyang pagdis-arma sa mga Hamas at pagsisimula ng reconstructions at pagtatayo ng post-war governance.

Mula kasi ng ipatupad ang ceasefire deal noong Oktubre ay aabot sa 400 na mga Palestino ang nasawi dahil sa ginawang paghihigpit ng Israel.