-- Advertisements --

Umuugong ang mga balitang may bagong pag-ibig si Cristine Reyes matapos na mamataan siyang magkasama ni dating National Youth Commission (NYC) chairperson Gio Tingson sa ilang lakad kasama ang mga kaibigan at sa isang bakasyon sa Vietnam.

Sa isang Instagram post ni Angat Buhay executive director Raffy Magno, makikitang nagkukuwentuhan si Reyes at Tingson habang umiinom kasama ang mga kaibigan. Ibinahagi rin ito ni Reyes sa kanyang Instagram Story. Biro ni Magno sa caption: “Ako na lang ang walang jowa, jusko.”

Makikita rin sa Instagram ni Tingson ang ilang larawan nilang magkasama ni Cristine habang namamasyal sa mga tourist spots, art gallery, at kumakain sa mga restaurant sa Hanoi, Vietnam.

Nag-ugat ang tsismis ng bagong relasyon nang ibunyag ng showbiz insider na si Ogie Diaz sa kanyang vlog noong Hunyo 28 na “lagi raw nagkikita” ang dalawa. “Feeling ko naka-move on na si Cristine,” ani Diaz.

Matatandaang si Cristine ay huling na-link kay Marco Gumabao. Nagsimula ang breakup rumors ng dating magkasintahan noong Abril 2025, ngunit kapwa sila nanatiling tahimik sa dahilan at petsa ng kanilang hiwalayan.