-- Advertisements --

Pinili ni Ara Mina na huwag sagutin ang balitang hiwalay na ang kapatid niyang si Cristine Reyes at ang aktor na si Marco Gumabao.

Sa panayam niya kay Boy Abunda ngayong Lunes, sinabi ni Ara, “Kung ano ang alam ko, it stays with me, and I am not the right person, kung ano ang real score.” Dagdag pa niya, mature na raw si Cristine at alam nito ang kanyang ginagawa.

Ipinahayag pa ni Ara ang suporta sa kapatid, anuman ang pinagdaraanan nito.

‘Kung saan ka masaya, nakasuporta kami ng family,’ ani Ara.

Ikinuwento rin ni Ara na mas naging malapit si Cristine sa kanilang pamilya nitong mga huling buwan, bagay na pinasalamatan niya kay Marco.

‘Mas naging close na kami, compared before… Na-appreciate ko kay Marco, naging malapit siya sa family namin,’ dagdag ni Ara.

Samantala, ibinahagi rin ng aktres ang maayos na co-parenting arrangement nila ng dating partner na si Patrick Meneses para sa anak nilang si Mandy.

Ayon kay Ara, open at walang tensiyon ang relasyon nila, kahit kasal na siya ngayon kay Dave Almarinez. Nagkakasundo raw sila ni Patrick sa lahat ng aspeto mula sa schedule ng pag-aalaga hanggang sa gastusin para sa anak.