-- Advertisements --

Masayang ibinahagi ngayon ng aktres na si Cristine Reyes na engaged na siya sa kanyang partner na si Gio Tingson.

Sa kanyang Instagram post, shinare ni Cristine ang ilang larawan nila ni Gio, kabilang ang isang kuha kung saan ipinakita niya ang kanyang engagement ring.

“Every timeline led here. Endgame unlocked,” saad ni Cristine sa caption ng kanyang post.

Agad namang bumuhos ang pagbati mula sa kanilang mga kaibigan, kapwa artista, at fans sa comment section ng naturang post.

Matatandaang unang umugong ang balitang nagde-date sina Cristine at Gio noong 2025.

Si Gio ay nagsilbing chairperson ng National Youth Commission mula 2014 hanggang 2016. Naging Chief Political Officer din siya ni Senador Bam Aquino mula 2016 hanggang 2018, at naging chairperson ng Akbayan Citizen’s Action Party mula 2018 hanggang 2022.

Samantala, dating ikinasal si Cristine sa professional MMA fighter na si Ali Khatibi noong 2016. Mayroon silang isang anak na si Amarah na isinilang noong 2015.

Noong Pebrero 2024, kinumpirma ni Cristine na mahigit isang taon na umano siyang annulled mula kay Ali.

Na-link din noon si Cristine Reyes at Marco Gumabao matapos i-anunsyo ang kanilang relasyon at nagtapos noong Abril 2025.