-- Advertisements --

Inihayag ng Department of Transportation (DOTr) na matutuloy na ang ilang pagbabagong gagawin sa Virac Airport sa Catanduanes.

Ayon sa DOTr na mayroong inilaan na P264.61 milyon na pondo para magkaroon ng ilang improvements ang paliparan.

Ilan sa mga isasagawa dito ay ang control tower, power house, cistern tank and pump house ganun din ang extension ng runway.

Sa Hulyo 14 ay pag-aaralan ng DOTr ang ilang mga proposals ng mga interesadong contractors.

Ngayong taon kasi ay mayroong budget allocation ang DOTr na P12 bilyon para sa paggawa at mapalawig ang kapasidad ng air hubs sa labas ng National Capital Region.