-- Advertisements --

Isang bagong tagumpay ang naidagdag ni BB Gandanghari sa kanyang karera matapos siyang magtapos bilang summa cum laude sa kursong Bachelor of Science in Entertainment Business sa Los Angeles Film School.

Ibinahagi ni BB ang magandang balita sa isang Instagram post nitong Linggo, kalakip ang video ng kanyang graduation ceremony at isang mensaheng puno ng pasasalamat at pagmamalaki.

“Being summa cum laude is not without hard work, discipline, perseverance and determination,” ani BB. Ipinagmalaki rin niyang isa siyang working student na may perfect attendance at hindi kailanman na-late sa klase.

Bukod sa Latin honor, kinilala rin si BB bilang Student of the Month at kasapi ng Honor Society of Los Angeles.

Sa isang naunang panayam kay Boy Abunda, sinabi ni BB na pinasok niya ang film school upang sundan ang kanyang pangarap sa producing at directing.