Nakatanggap ang lokal na pamahalaan ng lungsod ng Maynila ng mahigit ₱5M halaga ng mga medical supplies donation ngayong araw.
Katumbas ito ng nasa mahigit 120,000 piraso ng medical supplies na inaasahang makatutulong sa problema ng lungsod sa pinansyal at suliraning pangkalusugan.
Mismong si Manila Mayor Isko Moreno ang personal na tumanggap ng nasabing mga donasyon .
Ito ay nagmula sa isang kumpanya na pag-aari nina Efren at Shelley Alvez .
Kabilang sa mga medical supplies na ibinigay sa LGU Manila ay examination gloves, surgical tape, at IV cannulas.
Nakatakda itong ipamahagi sa anim na public hospital sa Maynila at 44 na mga health centers sa lungsod.
Pinasalamatan naman ni Moreno ang naging hakbang ng naturang kumpanya sa pagtulong sa kanilang mga mamamayan sa pamamagitan ng nasabing mga donasyon.