-- Advertisements --
Matagumpay na naisagawa ang kauna-unahang ‘pediatric liver transplant’ sa isang pampublikong ospital ng bansa sa lungsod ng Maynila.
Naoperahan ang isang siyam na taon gulang pasyente na may ‘biliary atresia’ na isinagawa sa UP Philippine General Hospital.
Pinondohan ang naturang operasyon ng 30-milyon Piso para lamang masuportahan pagsasagawa ng ‘pediatric surgeries’.
Kung kaya’t personal na binisita ng akalde ng lungsod na si Mayor Francisco ‘Isko’ Moreno Domagoso ang naturang ospital nagsagawa ng operasyon.
Sa pondong nailunsad o nalikom, layon ng PGH na makapagpadala ng ilang batang pasyente sa ibang bansa para sa mas abot kayang halaga na ‘liver transplant procedures’.
















