-- Advertisements --

Suspendido ang pasok sa pamahalaan at paaralan sa lahat ng antas ng pasok sa Lungsod ng Maynila sa pribado at pampublikong paaralan sa Biyernes, Enero 9, ito man ay face to face o online classess kasunod ng taunang kapistahan ng Jesus Nazareno.

Ayon sa abiso ng Manila Public Information Office nitong Lunes, ang suspensyon ay alinsunod sa Executive Order No. 1, Series of 2026, na nilagdaan ni Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso.

“In line with Executive Order No. 1, Series of 2026, Manila Mayor Francisco ‘Isko’ Moreno Domagoso suspends classes at all levels, whether public or private, online or face-to-face, as well as work in local government offices in the City of Manila on Friday, January 9, 2026, in celebration of the Feast of the Black Nazarene,” nakasaad sa abiso.

Gayunpaman, mananatiling bukas at tuloy-tuloy ang operasyon ng mga frontline services, kabilang ang may kaugnayan sa kapayapaan at kaayusan, kaligtasan ng publiko, pagpapatupad ng batas-trapiko, disaster risk reduction and management, at serbisyong pangkalusugan.

Nilinaw din ng pamahalaang lungsod na ang suspensyon ng trabaho sa mga tanggapan ng national government at sa mga pribadong kumpanya sa Maynila ay nasa kani-kanilang pamunuan na ang desisyon kung magpapatupad ng walang pasok.

MGA ISASARANG KALSADA

Kaugnay ng mga aktibidad para sa Kapistahan ng Jesus Nazareno, inanunsyo rin ng lokal na pamahalaan ang pansamantalang pagsasara ng ilang kalsada simula ala-8:00 ng umaga sa Martes, Enero 6. Kabilang dito ang mga sumusunod:

  • Katigbak Parkway sa South Road – Isang lane lamang ang mananatiling bukas para sa mga motoristang patungong Manila Hotel at H2O Hotel, at lalagyan ito ng plastic barriers
  • Bahagi ng Independence Road

Pinayuhan ang publiko at mga motorista na magplano ng alternatibong ruta at sumunod sa mga ipatutupad na patakaran upang matiyak ang maayos at ligtas na pagdiriwang ng kapistahan.

LIQUOR BAN SA TRASLACION ROUTE

Inihayag din ni Mayor Isko na magkakaroon ng liquor ban sa Enero 9 sa loob ng 500-meter radius ng Quiapo Church at sa mga rutang dadaanan ng Traslacion.