Suspendido ang klase sa ilang bahagi ng Luzon ngayong Biyernes, Setyembre 4, dahil sa pagbaha at masamang lagay ng panahon na dulot ng Habagat.
Narito ang mga lugar na nagpatupad ng suspensyon:
Pangasinan:
Basista – lahat ng antas, pampubliko at pribado
Binmaley – lahat ng antas, pampubliko at pribado
Mangatarem – lahat ng antas, pampubliko at pribado
Ilocos Sur:
Magsingal – lahat ng antas, pampubliko at pribado; ipatutupad ang Alternative Learning Modalities (ALMs)
La Union:
Tubao – lahat ng antas, pampubliko at pribado; modular distance learning o iba pang alternative learning modalities
Benguet:
Bokod – preschool hanggang senior high school, pampubliko at pribado
Tarlac:
Tarlac City – lahat ng antas, pampubliko at pribado
Pampanga:
Apalit – lahat ng antas, pampubliko at pribado
San Fernando – lahat ng antas, pampubliko at pribado
Guagua – lahat ng antas, pampubliko at pribado
Masantol – lahat ng antas, pampubliko at pribado
Minalin – walang face-to-face classes; lahat ng antas, pampubliko at pribado; lilipat sa Alternative Delivery Modes
San Simon – lahat ng antas, pampubliko at pribado, maliban sa Concepcion Integrated School
Sta. Ana – walang face-to-face classes; lahat ng antas, pampubliko at pribado; lilipat sa Alternative Delivery Modes
Sta. Rita – walang face-to-face classes; lahat ng antas, pampubliko at pribado; lilipat sa Alternative Delivery Modes
Pinapayuhan ang mga mag-aaral, magulang, at guro na patuloy na subaybayan ang mga anunsyo ng kanilang lokal na pamahalaan at paaralan para sa anumang pagbabago sa class suspension.
-- Advertisements --












