Nagpatupad muli ang Palasyo Malacañang ng alternative work arrangements sa mga tanggapan ng gobyerno sa ilang lugar sa bansa sa Huwebes, Agosto 20, dahil sa patuloy na epekto ng pinalakas na Southwest Monsoon o Hanging Habagat.
Kasabay nito, inatasan ang mga pampubliko at pribadong paaralan na gumamit ng alternative learning modes at iba pang learning continuity measures upang hindi maantala ang pag-aaral ng mga estudyante.
Batay sa Memorandum Circular No. 131, sakop ng kautusan ang mga sumusunod na lugar sa:
- National Capital Region
- Abra
- Benguet
- Ilocos Norte
- Ilocos Sur
- La Union
- Pangasinan
- Bataan
- Bulacan
- Nueva Ecija
- Pampanga
- Tarlac
- Zambales
- Batangas
- Cavite
- Laguna
- Rizal
- Occidental Mindoro
Inilabas ang kautusan sa rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), bilang paghahanda sa inaasahang patuloy na malalakas na pag-ulan dulot ng Habagat.
Gayunpaman, kailangang magpatuloy sa operasyon ang mga ahensyang nagbibigay ng basic at health services, disaster preparedness at response, gayundin ang iba pang mahahalagang serbisyo ng pamahalaan.
Samantala, makatatanggap pa rin ng kaukulang sahod ang mga Contract of Service (COS) at Job Order workers na isasailalim sa alternative work arrangements, alinsunod sa umiiral na mga patakaran.












