-- Advertisements --

Suspendido ang face-to-face classes at ilang government work sa ilang bahagi ng Northern at Central Luzon sa Lunes, Agosto 24, 2026, dahil sa masamang panahon at isang lokal na pagdiriwang.

Narito ang mga lugar na nagpatupad ng suspensyon:

  • Abra – Suspendido ang face-to-face classes sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan. Ipatutupad ang Alternative Delivery Modes. Suspendido rin ang government work sa buong lalawigan.
  • Atok, Benguet – Suspendido ang face-to-face classes mula preschool hanggang senior high school sa pampubliko at pribadong paaralan. Lilipat ang mga paaralan sa alternative learning modalities.
  • Magalang, Pampanga – Suspendido ang in-person classes at government work sa pampubliko at pribadong sektor bilang paggunita sa Feast of San Bartolome.

Pinapayuhan ang mga estudyante, guro at empleyado ng pamahalaan na makipag-ugnayan sa kanilang mga paaralan at tanggapan para sa mga susunod na abiso tungkol sa distance learning at work-from-home arrangements.