Suspendido ang klase sa ilang bahagi ng Luzon ngayong Miyerkules, Setyembre 2, 2026, dahil sa masamang panahon na dulot ng Southwest Monsoon o Habagat.
Narito ang mga lugar na nagpatupad ng suspensiyon:
Benguet:
Atok – Pre-school hanggang Senior High School, pampubliko at pribado
Itogon – Lahat ng antas, pampubliko at pribado
Bulacan:
Calumpit – Lahat ng antas, pampubliko at pribado
Pampanga:
San Simon – Lahat ng antas, pampubliko at pribado, maliban sa Concepcion Integrated School
Apalit – Lahat ng antas, pampubliko at pribado
Candaba – Lahat ng antas, pampubliko at pribado; ipatutupad ang Alternative Delivery Modes
Guagua – Lahat ng antas, pampubliko at pribado
Masantol – Lahat ng antas, pampubliko at pribado
Minalin – Lahat ng antas, pampubliko at pribado; ipatutupad ang Alternative Delivery Modes
Bacolor – Lahat ng antas, pampubliko at pribado
San Fernando – Lahat ng antas, pampubliko at pribado
Pangasinan:
Lingayen – Lahat ng antas, pampubliko at pribado
Aguilar – Lahat ng antas, pampubliko at pribado
Basista – Daycare hanggang Senior High School, pampubliko at pribado
Bautista – Lahat ng antas, pampublikong paaralan
Bayambang – Lahat ng antas, pampubliko at pribado
Binmaley – Lahat ng antas, pampubliko at pribado
Samantala, pinapayuhan ang mga mag-aaral, guro at magulang na patuloy na sumubaybay sa mga opisyal na anunsiyo ng kanilang lokal na pamahalaan at mga paaralan para sa iba pang pagbabago sa class suspension.
















