-- Advertisements --

Nakaalerto na ang Manila Health Department at mga ospital sa lungsod ng Maynila para sa posibleng pagdami ng mga pasyente. 

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, ang paghahanda ay alinsunod sa naranasan hindi ligtas na hangin o ‘unhealthy air quality’ sa lungsod.

Inatasan din ng alkalde ang Manila City Disaster Risk Reduction and Management Department na patuloy i-monitor ang kalidad ng hangin.

Aniya’y hindi lamang ito sa lungsod kundi maging ang buong kalakhang Maynila ay danas ang maruming kalidad ng hangin. 

Batay sa impormasyon, mula at nanggaling ito sa nagpapatuloy na ‘forest at land fires’ sa karatig bansa na Indonesia kung kaya’t pati ang bansa ay apektado.

Paalala naman ng alkalde na magsuot ng ‘mask’ para maproteksyunan ang kalusugan mula sa masamang epekto ng maruming hangin na ngayo’y bumuti na kumpara kaninang umaga.