Hindi ikinatuwa ng kasalukuyang alkalde ng lungsod ng Maynila na si Mayor Francisco ‘Isko’ Moreno Domagoso ang mga iniwang bandalismo sa iba’t ibang parte ng lugar buhat nang isagawa ang malakihang kilos protesta kontra korapsyon.
Sa isang pahayag na kanyang isinapubliko online, pinagtataka aniya raw kung bakit ang mga nagpoprotesta para sa tamang paggamit ng pondo ay sila rin ang umano’y dahil upang ito’y aksayahin.
Giit kasi ng alkalde na ang mga bandalismo naiwan matapos ang rally ay gagastusan pa ng pamahalaan para lamang maipanlinis ng mga kalat.
Kapansin-pansin ang mga bandalismo sa Maynila partikular sa kahabaan ng Padre Burgos Street, nang mag-umpisang magmartsa ang ilang grupo para sa kanilang kilos protesta.
Gayunpaman, inihayag ng naturang alkalde na kadyat naman ng isinaayos at nilinis ng mga tauhan ng ‘city hall’ sa pamamagitan ng kanilang Department of Engineering and Public Works.
Nilinis at pinunturahan ang mga pader sa iba’t ibang mga kalsada kung saan mayroong bandalismong naiwan.
















