-- Advertisements --

BUTUAN CITY — Pinarangalan ng lokal na pamahalaan ng Butuan City si traffic enforcer Ernie Abasula matapos siyang mag-viral sa social media dahil sa pagkabit sa panel truck ng isang traffic violator na nagtangkang tumakas.

Iginawad sa kanya ang Gawad Kagitingan sa press conference ng City Transportation and Traffic Management Department (CTTMD).

Ayon kay Abasula, kinabahan siya sa insidente pero ginawa lamang niya ang kanyang tungkulin.

Nilinaw rin niyang wala siyang inaasahang gantimpala at pinuna ang mga bumatikos sa kanya online na aniya’y hindi nauunawaan ang tunay na trabaho ng isang traffic aid.

Inihayag naman ni Mayor Lawrence Lemuel Fortun ang suporta kay Abasula at sinabing paalala ang insidente sa kahalagahan ng disiplina at respeto sa batas-trapiko para sa kaligtasan ng lahat.