-- Advertisements --

Nagpasa ng kaniyang irrevocable resignation si National Bureau of Investigation (NBI) director Jaime Santiago.

Sa sulat na ipinasa kay Pangulong Ferdinand Marcos sa pamamagitan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, ay agad itong aalis sa puwesto kapag mayroon ng pinangalanang papalit sa kaniya.

Nakasaad din sa sulat nito na hindi na niya makayanan ang mga paninira at intriga laban sa kaniya.

Pinasalamatan niya ang administrasyon ni Marcos at tiniyak nito na tuloy ang kaniyang pagsuporta sa administrasyon nito.

Noong tinanggap aniya nito ang trabaho ay tiniyak niya na kaniyang lilinisin ang ahensiya laban sa mga skalawags.

Nagsimula ang paninira sa kaniya noong nagpasa siya ng courtesy resignation kasama ang ilang mga opisyal ng gobyerno dahil sa kautusan na rin ni Pres. Marcos.

Patuloy ang paggalaw umano ng mga naninira sa imahe niya kung saan ang mga ito ay interesado sa kaniyang puwesto.

Si Santiago ay dating trial court judge, prosecutor at pulis ng Maynila ay naitalaga bilang NBI Chief noong Hunyo ng nakaraang taon.