Inilabas na ng NBA ang mga schedule ng mga laro para sa muli nilang pagsisimula sa Disney Resort sa Florida.

Bago ang pormal na pagsisimula ng laro sa July 30, mayroong 33 na tune-up games ang isasagawa.

Unang magsasagawa ng tune-up games ay ang Orlando Magic at Los Angeles Clippers na susundan ng Washington Wizards laban sa Denver Nuggets, habang makakaharap naman ng New Orleans Pelicans ang Brooklyn Nets, samantalang magkakaharap ang Sacramento Kings at Miami Heat.

Sisimulan ang restart ng games sa banggaan sa pagitan ng Jazz at Pelicans habang makakasagupa ng Lakers ang Clippers sa Hulyo 30.