-- Advertisements --

Natanggap na ng Clerk of Court ngayong Biyernes, June 27, ang dokumento na naglalaman ng reply ng House prosecution panel sa answer ad cautelam o tugon ni Vice President Sara Duterte sa inisyung writ of summons sa kanya. 

Si Senate Secretary Renato Bantug, na tumatayong clerk of court ng impeachment court ang tumanggap ng mga dokumento eksaktong ala-1:38 ng hapon. 

Nasa 37 pahina ang dokumento ng reply ng prosekusyon kabila na ang signature page. 

Ayon kay Bantug, kumpleto na nilang natanggap ang mga dokumento na naglalaman ng answer ad cautelam ni VP Sara at ang reply dito ng prosekusyon. 

Sa Lunes naman bibigyan ni Bantug ng kopya ang bawat senador dahil sa ngayon ay wala rin naman daw tatanggap sa kanilang mga opisina. 

Gayunpaman, sa ngayon, nakadepende na sa impeachment court ang susunod na magiging hakbang gayong naisumite na ang mga dokumento mula sa dalawang partido.