-- Advertisements --

Tiniyak ni defense spokesperson Atty. Michael Poa na ilalahad ng kampo ni Vice President Sara Duterte ang kanilang panig sa mga alegasyon ng unexplained wealth sa oras na iharap na nila ang kanilang mga ebidensya sa impeachment trial.

Hinimok ni Poa ang publiko na isaalang-alang na ang mga natalakay sa mga pagdinig sa ngayon ay nakabatay pa lamang sa panig ng prosekusyon.

Tumanggi siyang talakayin ang mga halaga ng credit card transactions at umano’y mga transaksiyon sa ibang bansa, kabilang ang mga may kaugnayan sa isang kumpa, dahil sa sub judice rule.

Ayon kay Poa, hindi magiging patas sa prosekusyon kung ilalabas nila ang mga detalye ng kanilang depensa bago pa man nila maiharap ang kanilang mga ebidensya.

Inamin niyang dehado ang depensa sa paghihintay ng kanilang pagkakataong sumagot, lalo na sa isang kasong may matinding kulay-pulitika. Gayunman, iginiit niyang may sarili ring salaysay na ilalahad ang kampo ni Duterte.