Binigyang linaw ng Department of Justice na sila’y wala umanong gagastusin para sa pagpapadala ng mga tetestigo sa International Criminal Court laban kay former President Rodrigo Roa Duterte sa The Hague, Netherlands.
Ito mismo ang ginawang paglilinaw ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla matapos matanong kung may ilalabas bang pera o gagamit ba ng pondo ng bayan para lamang maipadala ang mga magsusumite ng kanilang testimonya.
Aniya’y ang kanilang ginagawa lamang rito ay pakikipag-ugnayan sa naturang International Tribunal sa kung ano ang mga nais nito para sa kaso ng dating pangulo.
Ngunit hindi raw ito nangangahulugan na kanila pang iaasiste ang mga testigo hanggang sa pagdating nito sa bansang The Hague, Netherlands kung saan nakapiit si dating Presidente Duterte.
Kundi ang tanging inisyatibo ng kagawaran ay ang siyang maseguro na nasa mabuting kalagayan ang mga ito at masegurong maiibsan ang mga banta sa buhay na maari nilang matanggap.
Mahalaga raw kasing maseguro maging ang kaligtasan ng mga ito na siyang maghahain ng kani-kanilang testimonya sa ICC upang tumestigo sa kaso.
Kaya’t patuloy na nakikipag-ugnayan ang Department of Justice sa International Criminal Court sa mga hihilingin pa nito sa bansa hinggil sa kasong kinakaharap ng dating pangulo.
“So far hindi pa naman umaabot duon, but yung mga arrangements na kainakailangan gawin, responsive lang tayo basta may pangangailangan. We bridge the different gaps basta nangangailangan sila ng tulong,” ani Secretary Jesus Crispin Remulla ng Department of Justice.