unicef
-- Advertisements --

Nagbabala ang United Nations International Children’s Emergency Fund (UNICEF) sa mga opisyal ng Metro Manila, kaugnay ng patuloy na pagbabawal sa mga minor de edad para lumabas ng bahay.

Matatandaang nagpatupad ang Metro Manila Council (MMC) ng kalahating buwan na pagbabawal sa paglabas ng mga bata, habang may curfew naman para sa iba pang lalabas mula alas-10 ng gabi hanggang alas-5 ng madaling araw.

Sa statement ng UN body, maituturing na raw na paglabag sa karapatan ng mga bata ang ganitong paghihigpit.

Ang kailangan umano ngayon ay pagtugon sa suliranin ng mga bata at hindi ang dagdag pang suliranin.

Pero una nang iginiit ng MMC na nagiging super spreader ang mga bata dahil sa aktibidad ng mga ito.

-- Advertisement --

Lumalabas din sa pag-aaral na lantad sa sakit ang mga menor de edad at maging ang matatandang lagpas 65-anyos.