Kumpiyansa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na magbubukas ng mas maraming oportunidad sa local and national economy ang pagbubukas ng Caticlan Passenger Terminal Building matatapos ito sa itinakdang panahon.
Pinangunahan ni Pangulong Marcos ang groundbreaking at time capsule laying.
Sa talumpati ng Pangulo na ang nasabing proyekto ay malaking tulong sa ekonomiya ng rehiyon at sa ating bansa dahil ito ang magsisilbing main gateway patungo sa Boracay.
Dahil dito, maaari nang marating ng mga turista, bisita at mga negosyante ang western Visayas region tulad ng Boracay hindi na lamang sa pamamagitan ng Metro Manila Airports kundi direkta nang makalilipad at lalapag sa Caticlan Airport sa aklan.
Ayon sa Pangulo mas mapadadali na at convenient sa mga bisita kapag natapos at nakumpleto ang passenger terminal building sa caticlan airport.
Ang dalawang palapag na Passenger Terminal Building ay may total floor area na 36,470 square meters na mayroong anim na (6) passenger boarding bridges at 36 na individual check-in counters.
Inaasahan itong makapag aacomodate ng 7 milyong mga pasahero kada taon at 3 libong passenger capacity kahit akong oras.
Naniniwala ang pangulo na magagawang makumpleto ng pribadong sektor ang konstruksyon ng passenger building terminal sa pangako nitong 24 na buwan.