-- Advertisements --

Ipinamalas ang kakayahan ng Navy Marine Expeditionary Ship Interdiction System o NEMISIS missiles ng Amerika sa pamamagitan ng test firing sa kasagsagan ng Balikatan exercise sa pagitan ng pwersa ng Pilipinas at Estados Unidos.

Kinumpirma ito ni US Pacific Fleet Commander Admiral Stephen Koehler sa unang pagkakataon sa kaniyang mensahe kasabay ng closing ceremony ng Pacific Amphibious Leaders Symposium na ginanap sa Taguig City.

Saad ng US commander na tinesting ang pagpapaputok ng NMESIS missiles, kabilang ang operated amphibious vehicles at HIMARS o High Mobility Artillery Rocket System na inensayo gamit ang unmanned systems at nagsagawa din ng full battle tests at real-world scenarios.

Ang NMESIS ay isang high mobile coastal anti-ship missile na may kakayahang tamaan ang kalabang surface vessels sa land-based positions.

Sa kasagsagan din ng Balikatan mula Abril 26 hanggang Mayo 4, ginamit ang NMESIS sa pagsasanay sa maritime key terrain security operations sa Batanes.

Nauna ng sinabi ni Philippine Navy spokesperson Capt. John Percie Alcos na mananatili ang NMESIS sa bansa hangga’t mayroong mga oportunidad ng pagsasanay para sa Philippine Marine Corps. Subalit iginiit na hindi dapat ituring itong banta ng China dahil ito ay isang kagamitang militar na ginagamit lamang para sa pagsasanay. Iginiit din na ito ay magiging deterrent lamang sa sinuman na nais na magsagawa ng iligal, coercive, agresibo at mapanlinlang na mga aksiyon laban sa PH.

Samantala, ayon kay Admiral Koehler, ibinida sa joint military exercise sa pagitan ng Armed Forces ng PH at US ngayong taon ang cutting-edge capabilities at nakatutok din ang pagsasanay sa West Philippine Sea at Luzon Strait.

Ipinagmalaki naman ng US commander na ang kanilang mga nagawa sa Balikatan exercise ay isang malaking hakbang sa pagdepensa para sa Indo-Pacific Region.