-- Advertisements --

Nagresulta sa pagkamatay ng 18 minero at isa ang lubhang nasugatan kasunod ng pagsabog sa iligal na coal mine sa northeastern state ng Meghalaya sa India.

Nagsagawa na ng rescue operations sa mine site at ilang katao pa ang pinangangambahang na-trap.

Ayon kay Superintendent of the state police Vikash Kumar, nangyari ang insidente dahil sa rat-hole mining, isang delikadong paraan ng pagmimina kung saan ginagamit ang dinamita para masira at makagawa ng lagusan papasok sa makitid na tunnel kung saan nakayuko o nakaluhod ang mga minero habang naghuhukay ng karbon.

Nagpapatuloy pa rin ang naturang paraan ng pagmimina sa kabila pa ng pagbabawal ng estado rito.

Samantala, ipinag-utos na ni India Prime Minister Naredra Modi ang pagbibigay ng 200,000 rupees na tulong pinansiyal para sa mga nasawi at 50,000 rupees para sa mga nasugatan.