-- Advertisements --

Pinatawan ng 30-araw na preventive suspension ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang bus company na sangkot sa aksidente sa Zamboanga del Sur.

Sa nasabing insidente ay nasawi ang dalawang katao at ikinasugat ng hindi bababa sa 10 katao.

Ayon sa LTFRB na kanilang sinuspendi ang operasyo ng Rural Transit Mindanao Inc. (RTMI) habang isinasagawa ang imbestigasyon.

Binigyan din ng show cause order ng LTFRB ang may-ari ng RTMI na mula sa Yanson Group Bus Company kung saan itinakda ang pagdinig sa Hulyo 15 sa LTFRB regional Office sa Pagadian City.

Maguugnitang nahulog sa malalim na bahagi ng kalsada ang bus sa Barangay Mahayag sa bayan ng Dumigag nitong Hulyo 10.

Base sa pahayag ng driver na nawalan ito ng preno kaya nahulog ito sa gilid ng kalsada.