-- Advertisements --

Nagpasok ng not guilty plea ang korte sa Manila laban kay dating Negros Oriental congressman Arnolfo Teves Jr.

May kinalaman ito sa kasong murder laban kay Teves noong 2019.

Nagmatigas kasing maghain ng plea si Teves sa mga arraignment sa Manila Regional Trial Court Branch 12.

Sinabi ng abogado nito na si Atty. Ferdinand Topacio, na dumalo lamang si Teves sa pamamagitan ng videoconferencing sa kaniyang kulungan sa Metro Manila District Jail Annex 2 sa Camp Bagong Diwa sa Taguig.

Itinakda sana ang arraignment kay Teves noong Hunyo 30 subalit hindi ito nakadalo matapos na ma-confine siya sa Philippine General Hospital sa appendectomy kaya itinakda na sa pre-trial hearing sa Hulyo 29.

Una ng hindi naghain si Teves ng plea sa kasong illegal possession of firearms and explosives at ang kasong terorrism financing na inihain laban sa kaniya ng Quezon City Regional Trial Court Branch 77.

Itinuturong mastermind ang dating mambabatas sa pagpatay kay Negros Oriental governor Roel Degamo at siyam na iba pa noong Marso 2023.