-- Advertisements --
Kinumpirma ng Palasyo ng Malakanyang na nagbitiw na sa kaniyang pwesto si Energy Regulatory Commission Chairperson Monalisa Dimalanta.
Ayon kay Palace Press Officer USec. Claire Castro na naghain ng irrevocable resignation si Dimalanta.
Gayunpaman walang ibang detalyeng naibahagi si Castro hinggil dito.
Sa panig naman ni Communication Secretary Dave Gomez wala rin siyang impormasyon hinggil sa resignation ni Dimalanta at kung tinanggap na ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ang termino ni Dimalanta ay nakatakda sanang magtapos sa 2029.