-- Advertisements --

Isinusulong ni Leyte 1st district Rep. Ferdinand Martin Romualdez ang panukalang house bill no 7 o ang bank secrecy law.

Sinabi ni Romualdez na ang Pilipinas ay hindi na dapat maging “safe haven” o kanlungan para sa “dirty money” na galing sa mga ilegal na aktibidad.

Layon ng nasabing panukala na mapalakas ang regulators para malabanan ang katiwalian, panloloko, at iba pang krimen sa pananalapi, na nagpapahina sa tiwala ng publiko.

Ayon pa nkay Romualdez, outdated na ang mga probisyon ng kasalukuyang batas kaya naman naaabuso ng mga sangkot sa money laundering, tax evasion at kurapsyon.

Nahihirapan din aniya ang regulators at mga nag-iimbestiga na isiwalat ang mga maling gawain, kaya kailangan na ng pagbabago.

Kapag naging ganap na batas, aamyendahan ang Republic Act 1405 upang mapahintulutan ang Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP na masuri ang bank deposits, kasama ang foreign currency accounts, sa ilalim ng mahigpit at limitadong kondisyon kung saan may kaduda-duda at ilegal na aktibidad.

Mas mabigat na parusa naman ang isinusulong ng House Bill laban sa mga lalabag, gaya ng pagkakakulong ng dalawa hanggang sampung taon, at multa na P50,000 hanggang P2 million.