-- Advertisements --

Nadismaya ang mga fans ng rapper na si Drake matapos na naging maiksi ang show nito sa Las Vegas.

Naging maaga ang paglabas nito sa stage kung saan 10 minuto bago ang itinakdang oras.

Sinabi nito na magpapatuloy itong magtatanghal hanggang patayin ang kaniyagn microphone o hanggang magiging epektibo ang curfew.

Lalo pa sila nadismaya matapos na kakaunti ang naging guest niya sa show na kinabibilangan nina Popcaan, Rema at Vybz Kartel kumpara noong nagdaang linggo na mayroong limang mga guests.

Paliwanag ng organizers na nagkaroon ng biglaang pagpapalit ng line up.

Tiniyak naman ng 38-anyos na singer sa mga fans na ito ay babawi na lamang sa mga susunod na show.