Umatras na sa paglalaro sa Rotterdam Open si world number one tennis star Rafael Nadal dahil sa injury sa kaniyang likod.

Mula pa noong Australian Open ay iniinda na ng Spanish tennis star ang sakit nito sa likod.

Sinabi nito na nalulungkot siya sa hindi pagsali sa Roterdam Open.

Tiniyak nito na agad na magpapagaling para makasali sa nasabing torneo sa mga susunod na torneo.