Umusad si tennis star Jannik Sinner sa Wimbledon quarterfinals matapos umatras si Grigor Dimitrov dahil sa injury sa dibdib o pectoral muscle, habang lamang ng dalawang set.
Tinamaan ng injury si Dimitrov sa score na 2-2 sa ikatlong set, matapos siyang manalo ng 6-3, 7-5 sa unang dalawang set.
Si Sinner ay may iniinda namang elbow injury matapos madapa sa unang bahagi ng laban, ngunit nagpatuloy pa rin siya.
Naitala ni Dimitrov ang kaniyang ikalimang sunod na Grand Slam tournament na hindi niya natapos dahil sa pagkaka-injure.
Ipinaabot ni Sinner ang kaniyang malasakit, sinabing hindi niya itinuturing na panalo ang laban at umaasa siyang gumaling agad si Dimitrov.
Sa huling point, agad napansin ni Sinner ang pagkapuruhan ni Dimitrov at lumapit upang tiyakin ang kalagayan nito.
Susunod na makakalaban ni Sinner si Ben Shelton ng Estados Unidos para sa tiket sa semifinals.